Ulam na Sira

"Mabakal!"

Hanggang ngayon napapangiti parin ako pag naririnig ko ang sarili kong kumakatok sa tindahan para bumili. Ang salitang "mabakal" ang isa sa mga unang salitang agad kong natutunan noong unang tungtong ko dito sa Legazpi. Pabalik balik ako noon ng Makati - Legazpi. Bagay na nagpahirap sa akin upang matutunan ang wikang Bikolnon.

Taliwas sa salitang tagalog, ang "mabakal" ay hindi nangangahulugan na maraming bakal. Dito sa Legazpi, Albay, ito ay katumbas ng karaniwang panawag pansin sa tindera kapag meron kang nais bilhin sa tindahan. Kasabay ang pagkatok ng barya sa kung ano mang pwedeng katukan. Binibigkas ito ng parehong tono sa "Pabili!" Kung tutuusin, ito na ang pinaka madaling tandaan sa wikang Bikol sa mga panahong ako'y musmos pa lamang.

Di ko makakalimutan, dahil nga't pabalik balik ako, may pagkakataong nagsisisigaw ako sa tindahan ng "Maba-kaaaaaaaal!" ng paulit ulit ngunit walang pumapansin sa akin. Saka ko lamang biglang naalala, ay... oo nga pala... nasa Makati ako, "Pabi-leeeeee!" (tindera: "Ano yun?")

Dumating ang araw na nagdesisyon ng talaga ang aking nanay na dito muna ako mag-aral ng dalawang taon. Dun na ko tuluyang namulat sa mala-intsik nilang pagsambit na animo'y kay daling intindihin, ngunit hindi parin.

Isang araw nga, dapit hapon habang naglalaro kami ng mga pinsan ko, narinig ko ang aking tiyuhin na nagsabing ang ulam daw namin ay "piniritos na sira". Talaga namang napaisip ako ng husto. Ngunit dahil mahiyain ako noon, di ako nagpahalata ng aking pagtataka.

Nakaupo na kami sa harap ng hapagkainan, talaga namang katakam takam ang nakahain sa mesa ngunit may pagdududa akong nadarama. Hindi naman sa magulang ako, pero talagang hinintay ko silang maunang kumuha ng pagkain, at pinapanood sila habang isinusubo ang bawat ulam na nakahatag. Marahil sa aking pagkamangha, tulala akong nakatitig sa kanila. Walong taon pa lang ako noon. Bigla akong tinanong ng tiyuhin ko kung ba't di pa ko kumain? Di ko na natiis kaya't agad ko namang sinagot, "talaga bang may prito dito na sira???"

Naghalakhakan ang lahat, at pati na rin ako ay nakisabay pagkatapos nilang ipaliwanag na ang "sira" pala ay "isda" sa Bikol na wika. Dun din marahil nagsimula ang biru-biruang: pano na lang kung magkatabing nagtitinda ang Mamang nagtitinda ng taho at ng isda? Marahil ito ang maririnig mo...

Tindero ng Kulambo: "Tahooooooo!"
Tindero ng Isda: "SIRAAAAAAA!"
*note: parehong tono.*

Pagkatapos ng dalawang taon kong pag aaral ng elementarya dito, bumalik din ulit ako sa Makati. Dala-dalawang taon ang naging pagitan ng pagpapabalik-balik ko nun. Bagay na naging dahilan kung bakit kay tagal ko talagang natutunan na magsalita sa Bikol. Kahit alam na ng mga nakapaligid sakin dito sa Bikol na nakakaintindi na ko ng salita nila, nakasanayan na nilang kausapin ako ng tagalog. Hanggang ngayon, napaghahalo ko ang dalawang wika. Sinabayan pa ng dayuhang lengguahe na Ingles, talaga namang malilito ka na kapag ako'y iyong papakinggan.

Pero yun na siguro ang maganda dun. Dahil sa abilidad ng mga Pilipino na makisalamuha at matuto ng iba't ibang wika, naging madali ang pagpapaintindi at pagtuturo nito. Para sa akin, laking pasalamat ko na multilinggual ang mga kasama ko. Sa tulong nila, itinuro nila ito sa akin gamit ang tagalog na unti unti nilang isinasalin sa Bikol para dahan dahan ko ding matutunan.

Hindi nga ba't mas madali iyon, kesa magmatigas na isang wika lang ang gamitin at mauwi sa hindi pagkakaunawaan? Kung ang lahat ng tao ay magiging bukas sa ideyang magturo at matuto... ang maraming wika natin sa buong Pilipinas ay hindi magiging hadlang sa ating di pagkakaintindihan. Bagkos, ito pa ang magpapalago ng ating mas magandang pagsasamahan.

Sana, kahit nangingibabaw ang ilang wika lalo na ang Ingles, maalala natin na ito ay pangalawang wika lamang na ating pinag-aralan para maintindihan at makaintindi ng mga dayuhan. Alalahanin sana natin na ang wika sa ating tinubuan ay dapat pahalagahan. Mas madali nating maituturo sa mga susunod na henerasyon kung sa wikang kanilang maiintidihan ang gagawing paraan para ipaintindi ito. Wag nating ikahiya ang wikang kinalakihan, dahil ito din ang magpapalakas ng ating bansa pagdating sa huli.

Tanong: Ikaw ba sumali sa Wika2007 writing project? O hindi dahil iyong sinabi na hindi ka kasi sanay magsulat sa wikang tagalog? o sa sarili mong wika?

Tanungin mo nga ang iyong sarili: Dapat nga bang huminto na sa ideyang iyon? O mas nararapat atang sinubukan ko na lang, bilang pagpapakita na nasa puso ko parin ang pagpapahalaga sa sarili kong wika?

Alin ba ang mas nakakahiya, ang mali maling pagkakasulat? o ang hindi talaga sumulat dahil sa hiya?

*ito po ang aking parte bilang pakikilahok sa pagpapalaganap an ako'y bilib sa wikang pinoy, kahit ano o aling wika pa ito*

So, pano? Kain muna ko ng sira... hehehehe... sasalo ka?

pahabol: Nabanggit na din lang naman ang isda at sira, bigla kong naalala ang sikat na kataga. Hayaan nyong aking isalin ito sa sarili kong wika:

"Ang dai magpadaba sa sadiring wika, daog pa ang parong kang raot na sira."
("ang di magmahal sa sariling wika, daig pa ang amoy ng sirang isda.")

o para kaya pwede ding:

"Ang dai magpadaba sa sadiring wika, daog pa ang malansang sira."

("ang di magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.")

eto po ay sinabi ni Rizal, Bicol Version.

nahalata mo ba? malansa na, sira pa. double meaning. nyahahaha!



PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)

presents

Wika2007 Blog Writing Contest

Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa



Sponsored by:

Ang Tinig ng Bagong Salinlahi

Sumali na sa DigitalFilipino.com Club

Sheero Media Solutions - Web Design and Development

Yehey.com - Pinoy to p're

The Manila Bulletin Online

WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia





Comments

Anonymous said…
Haha. Nakakatuwa naman yun. Peborit ko yung "sira" sa totoo lang. :D

Good luck sa contest.
Mark Xander said…
Just added you to my links. :)
Talamasca said…
Piniritos na sira = piniritong isda, huh? Hehehe. Ah, the bloody language barrier! Alam mo ba na sa Bisaya, ang tawag nila sa ibon (bird) ay langgam? Odd yet oh-so-factual. And marami pa silang "wordifications" that can make your jaws drop. Hell, every language has one or two or even more. That's what makes each one of 'em cool as a cucumber from the freezer.

Siguro ayusin mo na lang yung mga dapat ayusin i.e. capitalization and tenses and stuff. Other than that, I hear you and I'm all hoping that you get to bag lots of neat prizes! :-)
Anonymous said…
awwww... y'all! this is not an entry for the contest... hahahha! just my piece so to speak. to impart with the theme. NON PARTICIPATING. hahaha!

thanks nyweiz!
Anonymous said…
pritos na sira. paborito ko yan. hehhe.

nakakamondo an nangyayari sa wika event. garo mahahaloyan an masunod na event. nawawara an ngisi sa ngimot ko. garo logod paghuna ko mas maray na dai na lang nag...

salamat saindo ni sarah na matyaga na nagtabang sa wika.

napaagi lang po. hinahalat ko an post mo. pakipublish na po. na yupyup na an mata ko. hahahah
quincyjohn said…
wahehe cool ands!
nakakatawa.
pritos na sira. i love that food. lalo na pag bangus na hiniwa sa gitna (ano tamang term don?) hihi
hai, didn't have enough time to make an entry ands.
sorry to disappoint you.
but, nanamian gid ko simo. grabe ka mag bulig sa activities sang blogosphere.

woowwooot!!!
@braty: anytime po... im enjoying naman taking part with the activities in PBS.

@quincy: i think daing = badi (in bicol) yung sinasabi mong isdang hiniwa sa gitna? hehehe... eway, okay lang.. daan na lang ulit me sa blog mo. :D
ako si pia said…
hehehe ang alam kong joke ng tatay ko ay hindi yung sa taho, pero may naglalako ng Banig tapos sumigaw... "baaaaniiiggg" at sumabat ang bicolano naglalako ng isda: "siraaaaaaa!" ahehehhe...

ito joke, ang langgam sa bisaya naglupad na (lumilipad na) ang langgam sa tagalog nagkamang pa (gumagapang o naglalakad pa) ang lagay sa bisaya nakasabit (hehe organ ng guy) ang lagay sa tagalag ibutang pa (ilalagay o iaabot pa lang)

=)
Anonymous said…
@---: ahehehe... that's a nice one. barriers of language. LOL.

Popular Posts